[ New messages · Members · Forum rules · Search · RSS ]
  • Page 1 of 1
  • 1
Forum » Filipino Life (Food, Cities, Life) » Filipino Life (Food, Cities, Life) » Pilipino Tayo
Pilipino Tayo
MarcoDate: Sunday, 2008/08/31, 9:03 PM | Message # 1
Private
Group: Users
Messages: 6
Reputation: 0
Status: Offline
Meron akong gustong ibahagi para sa ating lahat na mga PILIPINO. Simple pero parang mahirap gawin ng karamihan sa atin.Hindi ito makukuha sa puro daldalan lang or walang kabuluhang pagtatalo,kumilos tayo ngayon na.

Sa ibang bansa : Pag nagkasala ang Pinoy, pinarusahan siya ayon sa batas.

Sa PINAS : Pag nagkasala ang ang Pinoy,ayaw niyang maparusahan kasi sabi niya mali raw ang batas.

Sa ibang bansa : Pinag-aaralan muna ng Pinoy ang mga batas bago siya pumunta roon, kasi takot siyang magkamali.

Sa PINAS : Pag nagkamali ang Pinoy, sorry kasi hindi raw niya alam na labag sa batas iyon.

Sa ibang bansa : Kahit gaano kataas ang bilihin at tax sa USA okey lang, katuwiran natin doble kayod na lang.

Sa PINAS : mahilig ka sa last day para magbayad ng tax minsan dinadaya mo pa o kaya hindi ka nagbabayad. Rally ka kaagad kapag tumaas ang pasahe at bilihin imbes na magsipag mas gusto natin ang nagkukwentuhan lang sa munisipyo o kahit sa alinmang tanggapan.

Sa Singapore : Kapag nahuli kang nagkalat or nagtapon ng basura sa hindi tamang lugar, magbabayad ka na 500 Singapore dollars. Sabi ng Pinoy, okey lang kasi lumabag ako sa batas.

Sa Pinas : Kapag nagkamali ang Pinoy katulad nang ganito, Sabi ng Pinoy, ang lupit naman ni Bayani Fernando , mali naman ang pinaiiral niyang batas eh akala mo kung sino. Ayun nag-rally na ang Pinoy, gustong patalsikin si Bayani Fernando kahit na alam niyang mali siya.

Mga igan, ilan pa lang iyan baka may iba pa kayong alam.

Bakit ang PINOY, pwedeng maging 'law abiding citizen sa ibang bansa ng walang angal' pero sa sarili nating bayang PILIPINAS na sinasabi ninyong mahal natin, eh hindi natin magawa, BAKIIITTTTT? ????????

Added (2008-08-31, 8:02 Pm)
---------------------------------------------
ETO PA, 'Ang Pilipino NOON at NGAYON':

NOON : Wow ang sarap ng kamote (kahit nakaka-utot)

NGAYON : Ayaw ko ng kamote gusto ko French Fries (imported eh)

NOON : Wow ang sarap ng kapeng barako

NGAYON : Ayaw ko niyan gusto kong kape sa
STARBUCKS (imported coffee 100 pesos per cup)

NOON : Bili ka ng tela para magpatahi ng pantalon like maong

NGAYON : Gusto ko LEVI'S, WRANGLER, LEE (Tapos rally tayo 'GMA tuta ng KANO ') Di ba tuta ka rin naman.

NOON : Sabon na Perla OK ng pampaligo

NGAYON : Gusto mo DOVE, HENO DE PRAVIA,IVORY, etc. may matching shampoo pa

NOON : Pag naglaba ka batya at palopalo ok na, minsan banlaw lang sa batis pwede na

NGAYON : Naka-washing machine ka na plus ARIEL powder soap with matching DOWNY pa para mabango

Alam ko mas marami pa ang alam ninyo tungkol dito, pero mangilan-ngilan lang iyan para bigyan ng pansin.

Mga Pilipino nga ba tayo? O baka sa salita lang at E-Mail pero wala naman sa gawa.

My Fellow Filipinos,

When I was small, the Philippine peso was P9 to the $dollar . The president was Ferdinand E. marcos . Life was simple. Life was easy. My father was a farmer. My mother kept a small sari-sari store where our neighbors bought sang-perang asin, sang-perang bagoong, sang-perang suka, sang-perang toyo at pahinging isang butil na bawang. Our backyard had kamatis, kalabasa, talong, ampalaya, upo, batao, and okra.. Our silong had chicken. We had a pig, dog & cat. And of course, we lived on the farm. During rainy season, my father caught frogs at night which my mother made into batute (stuffed frog), or just plain fried. During the day, he caught hito and dalag from his rice paddies, which he would usually inihaw. During dry season, we relied on the chickens, vegetables, bangus, tuyo, and tinapa. Every now and then, there was pork and beef from the town market. Life was so peaceful , so quiet, no electricity, no TV. Just the radio for Tia Dely, Roman Rapido, Zimatar, Dahlia, Tawag ng Tanghalan and Tang-tarang- tang. And who can forget Leila Benitez on Darigold Jamboree? On weekends, I played with my neighbours (who were all my cousins). Tumbang-lata/ preso, taguan, piko, luksong lubid, patintero, at iba pa. I don't know about you, but I miss those days.

Added (2008-08-31, 8:03 Pm)
---------------------------------------------
These days, we face the TV, Internet, e-mail, newspaper, magazine,grocery catalog, or drive around. The peso is a staggering and incredible P41 to the $dollar (last year ay umabot pa nga ng P55 per $1) . Most people can't have fun anymore. Life has become a battle. We live to work. Work to live. Life is not easy. I was in Saudi Arabia in 1983. It was lonely, difficult, & scary. It didn't matter if you were a man or a woman. You were a target for rape. The salary was cheap & the vacation far between.. If the boss didn't want you to go on holiday, you didn't. They had your passport. Oh, and the agency charged you almost 4months of your salary (which, if you had to borrow on a '20% per month arrangement' meant your first year's pay was all gone before you even earned it). The Philippines used to be one of the most important countries in Asia. Before & during my college days, many students from neighboring Asian countries like Malaysia , Indonesia , Japan and China went to the Philippines to get their diplomas. Until 1972, like President Macapagal, President Marcos was one of the most admired presidents of the world. The Peso had kept its value of P8 to the $dollar until I finished college. Today, the Philippines is famous as the 'housemaid' capital of the world. It ranks very high as the 'cheapest labor' capital of the world, too. We have maids in Hong Kong, laborers in Saudi Arabia , dancers in Japan , migrants and TNTs in Australia and the US , and all sorts of other 'tricky' jobs in other parts of the globe. Quo Vadis, Pinoy? Is that a wonder or a worry? Are you proud to be a Filipino, or does it even matter anymore? When you see the Filipino flag and hear the Pambansang Awit, do you feel a sense of pride or a sense of defeat & uncertainty? If only things could change for the better...... . Hang on for this is a job for Superman. Or whom do you call? Ghostbusters.. Joke. Right?

This is one of our problems.

We say 'I love the Philippines .. I am proud to be a Filipino.' Dati pa nag, ang pamasahe nun sa jeepney ay 25 sentimos, ngayon ay tumataginting na P7.50 na at may mga nagbabalak pa na itaas ito. Ultimo text messages sa cellfone ay balak pa rin lagyan ng tax ng mga engot na pulitiko eh sila itong dapat taasan ng tax. Mga pulitikong graduate ng 4 na sikat na kolehiyo/unibersida d sa Pilipinas (alam nyo na kung ano yung mga yun) na namumuno ng bansa, mga aktibista kuno ngunit may bahid ng pagnanasa na nakawin ang kaban ng bayan! Mga engot at magnanakaw talaga na nagsipag-aral pa sa mga sikat na kolehiyo upang gawing perpekto ang pangungurakot!

When I send you a joke, you send it to everyone in your address book even if it kills the Internet. But when I send you a note on how to save our country & ask you to forward it, what do you do?

You chuck it in the bin.

I want to help the maids in Hong Kong .. I want to help the laborers in Saudi Arabia .. I want to help the dancers in Japan .. I want to help the TNTs in America and Australia ..

I want to save the people of the Philippines .. But I cannot do it alone. I need your help and everyone else's.

So please forward this to your friends. If you say you love the Philippines , prove it. And if you don't agree with me, say something anyway. Indifference is a crime on its own .

Juan Delacruz

 
darkrose_xxDate: Thursday, 2008/11/27, 5:37 AM | Message # 2
Private
Group: Administrators
Messages: 7
Reputation: 0
Status: Offline
Wai. Nakaka-guilty 'yan lalo na kasi mahilig ako sa imported. x3

Sa aking paningin, hindi naman lahat ng Pilipino ganyan. Meroon namang mga tao na nais maka-ahon ang ating bansa, na nais makita na ang pagkakataon na magkaisa ang lahat ng Pilipino upang pagyamanin ang ating inang-bayan.

Miski sabihin na ang nasyonalismo natin ay hindi lumalakbay palabas ng apat na ding-ding ng ating mga silid-aralan, hindi naman totoo iyan dahil kung lumabas na ang mga mag-aaral may maririnig ka mula sa iba kapag matapos na ang klaseng Filipino. Ano ang iyong maririnig? Madalas ang iyong maririnig ay gaano ka nakakainis ang ibang mga kaklase kapag may debate subalit ang ibang mga pinag-aaralan sa klase ay nadadamdam ng mga estudyante.

Pag labas ng mga mag-aaral na iyon, naidadala nila ang mga natutunan nila at gumagawa sila ng paraan upang sundin ang mga naikolektang mga alamin. SUBALIT nagkakaroon tayo ng problema. Ano ang problemang iyon? Minsan mismong mga magulang natin ay ang humahadlang sa ating mga pangarap na makatulong sa bansa kahit sa maliit na pamamagitan.

Halimbawa, noong nasa Pilipinas pa ako, lagi kong tinatapon ang basura ko sa basurahan, at ang Daddy ko laging kung saan-saan at papagalitan ko siya gamit ng malambing na pa-kyut na boses. Ano mangyayari? Makakakuha ako ng mahabang liksyon tungkol gaano ka walang kwenta ang bansa natin. Dahil lang sa maliit na bagay na iyon. Minsan tuloy nais ko na lang ding maniwala sa kanya subalit ayoko paring maniwala na WALANG KWENTA ang bansang Pilipinas. May kwenta tayo. May halaga tayo hindi lang bilang bansa, hindi bilang isang grupo ng tao, bilang Filipino. Sabi nga ni Ninoy Aquino "The Filipino is worth dying for." Kahit ngayon na wala na ako sa bansang mahal ko, naniniwala pa rin ako sa mga salitang iyon. Bakit pa tayo nagkaroon ng KKK, ng Jose Rizal, ng Lapu-Lapu, ng Andres Bonifacio, ng Ninoy Aquino, ng libo-libong kababayang lumaban at namatay para sa ating kalayaan kung wala tayong halaga? Kung wala tayong halaga, bakit pa tayo namumuhay?

Kung wala tayong halaga, bakit pa ako nagtatanong?

Hindi naman sa wala nang ginagawa ang mga Pilipino ngayon. Hindi iyon. Mayroong mga mamamayan na naniniwala pa rin. Mayroong mga taong nangangarap pa rin. Mayroong mga mamamayan na sumisikip pa rin kahit sa munting paraan.

Sabi nga na kailangan mong maging pagbabago na gusto mong makita. Kung nais mong makita na magbago ang iba, magsimula ka sa sarili mo. Ikaw, nagbago ka na ba? Kung nagbago ka nga, makikita iyon ng mga tao sa buhay mo at magsisilbi kang inspirasyon para sa kanila. Wala kang makikitang pagbabago sa pagpadala ng milyon-milyong email. Kung meron man, kaunti lang. Hindi lang salita ang nakakabigay ng inspirasyon. Ang gawain ang nakakagawa noon. "Actions speak louder than words."

Ang tanong ay... gumawa ka na ba o nagsalita ka lang?

 
Forum » Filipino Life (Food, Cities, Life) » Filipino Life (Food, Cities, Life) » Pilipino Tayo
  • Page 1 of 1
  • 1
Search: